Habol na sa Summer Sports! Registration, Malapit na Mag-Closing (April 6 Deadline)
- SB San Rafael

- Mar 30
- 1 min read

Matapos ang mabilis na pagdagsa ng mga aplikante para sa Summer Sports Clinic 2026, pormal nang naglabas ng status update ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael hinggil sa mga natitirang slots para sa nasabing programa.
Dahil sa taas ng interes ng ating mga kababayan, opisyal nang idineklara na FULLY BOOKED na ang mga sumusunod na larangan:
❌ Tennis
❌ Volleyball
Gayunpaman, binigyang-diin nina Mayor Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Vice Mayor Edison "Kuya Edison" Veneracion na may pagkakataon pa ang mga nais sumali sa ibang kategorya. Narito ang mga natitirang slots (as of current report):
🏀 Basketball: 148 slots (mula sa 200)
🏸 Badminton: 16 slots (mula sa 60)
🏓 Table Tennis: 11 slots (mula sa 30)
Paalala ng lokal na pamahalaan na ang registration ay hanggang April 6, 2026 lamang, o hangga't may natitira pang slots. Ang sistema ay nananatiling first-come, first-served kaya hinihikayat ang lahat na magparehistro na agad sa pamamagitan ng Google Form link: https://forms.gle/5g3L7NdPSFkhxFDf9.
Huwag palampasin ang pagkakataong ito para sa isang aktibo at masayang bakasyon ngayong summer!





Comments