GSO San Rafael, Nanguna sa Flag Ceremony ngayong Lunes
- SB San Rafael

- 5 days ago
- 1 min read

Sa muling pagsisimula ng linggo ng tapat na serbisyo, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang Lingguhang Pagtataas ng Watawat ngayong araw ng Lunes, ika-23 ng Marso, 2026.
Ang palatuntunan ay pinangunahan ng mga kawani mula sa General Services Office (GSO) sa ilalim ng pangangasiwa ni G. Edwin C. Dulay. Ang lingguhang aktibidad na ito ay isang mahalagang tradisyon ng munisipyo upang maipakita ang paggalang sa watawat at pag-alabin ang pagmamahal sa Inang Bayan ng bawat lingkod-bayan.

Sa ilalim ng administrasyon nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, ang seremonya ay nagsisilbing pagkakataon din upang magbigay ng mga paalala at ulat ang iba't ibang departamento bago sumabak sa paglilingkod sa mga mamamayan.
Matapos ang seremonya, agad na nagbalik sa kani-kanilang mga tanggapan ang mga opisyal at kawani upang ipagpatuloy ang paghahatid ng mabilis at maasahang serbisyo para sa bawat San Rafaeleño.





Comments