top of page

Galing ng San Rafaeleño! Jamie Ane De Guzman, Pumasok sa Top 3 ng Viva Next Big Star


Panibagong karangalan ang inuwi sa bayan matapos pumasok bilang Top 3 Finalist sa prestihiyosong Viva Next Big Star ang kababayang si Ms. Jamie Ane G. De Guzman na nagmula sa Barangay Caingin.


Buong pusong nagpaabot ng pagbati at pagpupugay ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa kaniyang kahanga-hangang tagumpay sa larangan ng sining at pagtatanghal.


Ayon sa pamunuan ng lokal na pamahalaan, ang ipinamalas na talento ni De Guzman ay nagsisilbing malaking inspirasyon sa mga kabataan sa bayan at isang patunay na ang sipag, dedikasyon, at likas na husay ay nagbubunga ng tagumpay.


Ang tagumpay na ito ay buong ipinagmamalaki ng buong Bayan ng San Rafael sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang buong Sangguniang Bayan.


Kaisa ang buong komunidad sa pagdarasal at pagsuporta sa patuloy na pag-abot ni Jamie Ane sa kaniyang mga pangarap sa industriya ng musika at aliwan.

Comments


bottom of page