Frontliners, Pinuri sa Patuloy na Pagtugon sa Epekto ng Bagyo at Habagat
Nagpaabot ng pasasalamat si Vice Mayor Edison Veneracion sa mga frontliner na patuloy na katuwang sa pangangalaga sa kaligtasan ng mga mamamayan sa gitna ng pag-ulan dulot ng bagyo at habagat.
Kasabay nito, nagpapatuloy ang paglilinis sa mga ilog at daluyan ng tubig sa bayan, partikular sa Maasim River, bilang bahagi ng mga hakbang upang maiwasan o mabawasan ang pagbaha.
Hinikayat naman ang mga San Rafaeleño na patuloy na mag-ingat at manatiling alerto sa lagay ng panahon habang ipinagpapatuloy ang mga hakbang para sa kaligtasan ng komunidad.






Comments