Foot Patrolling at Police Visibility, Isinagawa ng PNP San Rafael

Nagsagawa ng foot patrolling at police visibility ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station nitong Setyembre 27, 2026, bandang alas-6:32 ng umaga sa Sagrado Corazon de Jesus Parish Church sa Barangay Cruz na Daan, San Rafael, Bulacan.
Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael Municipal Police Station.
Layunin ng foot patrol at police visibility na mapanatili ang presensya ng kapulisan sa lugar at makatulong sa pagpapanatili ng seguridad at kaligtasan ng mga deboto, residente at iba pang dumadalo sa simbahan.






Comments