Festival King of San Rafael, Inilabas ang Top 3 Social Media Star

Inihayag ang tatlong kandidato na nakakuha ng pinakamaraming boto sa Mister Social Media Star online voting ng Festival King of San Rafael.
Nanguna si Gio na may 34,830 boto, sinundan ni Abram na nakakuha ng 33,780 boto, habang pumangatlo si Micoy na may 33,500 boto.
Ipinakita ng resulta ang malaking suporta at pakikilahok ng mga tagasuporta ng bawat kandidato sa buong panahon ng online voting.
Ang Sysprotech ang nagsilbing official online voting at tabulation partner para sa aktibidad.






Comments