Face-to-Face Classes sa San Rafael, Suspendido sa Lunes, Agosto 17 Dahil sa Masamang Panahon
- SB San Rafael

- Aug 16
- 1 min read

Upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral at guro laban sa banta ng masamang panahon, opisyal na isinuspinde ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan ngayong Lunes, Agosto 17, 2026.
Dahil sa suspension na ito, itinatagubilin ng lokal na pamahalaan ang agad na pagpapatupad ng online classes o alternative learning modalities sa lahat ng paaralan sa bayan upang magpatuloy ang pag-aaral ng mga kabataan habang nananatili silang ligtas sa kanilang mga tahanan.
Inaatasan din ang mga pamunuan ng mga paaralan, mga guro, at mga magulang na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng lokal na pamahalaan at MDRRMO hinggil sa lagay ng panahon at sitwasyon ng mga kalsada.





Comments