top of page

Face-to-Face Classes sa Lahat ng Antas, Suspendido sa San Rafael

Sep 4
1 min read

Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng San Rafael ngayong Biyernes, Setyembre 4, 2026, dahil sa patuloy na pag-ulan.


Bilang alternatibo, inatasan ang mga paaralan na ipatupad ang online classes o alternative learning modality upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga mag-aaral.


Isinagawa ang suspensyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at iba pang kawani ng paaralan sa gitna ng patuloy na pag-ulan.

Comments


bottom of page