Edukasyon para sa Lahat: Mga Nagsipagtapos sa ALS, Binigyang-Pugay ng Pamahalaang Bayan
- SB San Rafael

- Jun 24
- 1 min read

Bilang patunay na walang pinipiling edad o estado sa buhay ang pagkatuto, matagumpay na idinaos ang Alternative Learning System (ALS) Graduation and Moving-Up Ceremony 2026 sa bulwagan ng Pamahalaang Bayan.
Personal na pinangunahan ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. ang seremonya, kung saan siya rin ang nagsilbing panauhing pandangal at tagapagsalita. Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Goto ang kahalagahan ng edukasyon bilang pangunahing susi sa pag-abot ng mga pangarap. Kaniya ring pinuri ang mga nagtapos sa kanilang ipinamalas na sipag, tiyaga, at determinasyon sa kabila ng mga hinarap na hamon sa buhay.

Nakiisa rin sa mahalagang okasyon ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, kasama si Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente, mga ALS Implementers, mga guro, at si East District Supervisor Ma’am Marissa Ortega. Dumalo rin si Sec. Edgardo Valdez na siyang kumatawan kay Congressman Mark Cholo I. Violago upang magpaabot ng suporta.
Ang programang ALS ay patuloy na nagsisilbing "ikalawang pagkakataon" para sa mga mamamayang nagnanais na makapagtapos ng pag-aaral. Kaugnay nito, muling tiniyak ng lokal na pamahalaan ang kanilang walang sawang pagsuporta sa mga programang pang-edukasyon upang matiyak ang mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat San Rafaeleño.





Comments