DSWD Relief Assistance, Ipinamahagi sa Ilang Barangay sa San Rafael

Muling ipinamahagi ang mga DSWD Relief Box sa ilang barangay sa San Rafael bilang karagdagang tulong sa mga pamilyang nangangailangan, lalo na sa mga naapektuhan ng mga nagdaang pag-ulan at kalamidad.
Sa inisyatiba ni Punong Bayan Cipriano D. Violago, Jr., pinangunahan ni Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente ang pamamahagi ng mga relief box sa mga benepisyaryo.

Ayon sa Pamahalaang Bayan, ang mga ayuda ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na maipaabot ang kinakailangang suporta sa mga San Rafaeleño na nangangailangan ng tulong.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan kay Congressman Mark Cholo I. Violago na naging daan upang maihatid sa San Rafael ang tulong mula kay Senator Joel Villanueva sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Patuloy namang pinagtitibay ng Pamahalaang Bayan ang koordinasyon sa mga lider at katuwang na ahensya upang maipaabot ang agarang tulong sa mga mamamayang nangangailangan.







Comments