Drug-Free Future: MADAC at Peace and Order Council, Nagsanib-pwersa para sa mga Kabataan
- SB San Rafael

- Apr 21
- 1 min read

Sa layuning protektahan ang kinabukasan ng susunod na henerasyon, matagumpay na naisagawa ang isang makabuluhang seminar na may temang “Empowering Youth for a Drug-Free Future through Resilience, Advocacy, Fellowship and Lasting Peace.”
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) katuwang ang Peace and Order Council. Bahagi ito ng mas malawak at patuloy na kampanya ng Pamahalaang Bayan, sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, para sa isang ligtas at mapayapang komunidad.

Dinaluhan ang seminar ng mga kabataan mula sa iba't ibang barangay, kabilang ang mga SK Chairpersons, mga Summer Job Employees, at mga kawani ng pamahalaan. Sa pamamagitan ng mga masinsinang talakayan, binigyang-diin ang kahalagahan ng resilience o katatagan ng loob upang iwasan ang impluwensya ng ilegal na droga.
Sentro ng usapan ang mahalagang papel ng kabataan bilang "advocates" ng kapayapaan at aktibong katuwang ng gobyerno sa pagsugpo sa masamang bisyo. Ayon sa pamunuan, ang fellowship o pagkakaisa ng mga kabataan ay susi upang matiyak na walang maliligaw ng landas at lahat ay magiging produktibong miyembro ng lipunan.
Tiniyak ng Pamahalaang Bayan ang kanilang walang sawang suporta sa mga programang tulad nito na direktang humuhubog sa karakter at naglalayo sa panganib sa mga kabataang San Rafaeleño. Ang tagumpay ng seminar na ito ay isang malaking hakbang tungo sa mithiing maging ganap na drug-free ang ating minamahal na bayan.





Comments