DILG Bulacan, Nagsagawa ng 'BisitaLakayan' sa Pamahalaang Bayan ng San Rafael

Upang patuloy na mapataas ang kalidad ng pamamahala at matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga pambansang programa sa lokal na antas, muling bumisita ang mga kinatawan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Bulacan sa Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa BisitaLakayan.
Ang delegasyon ng DILG Bulacan ay pinangunahan ni Provincial Director Myrvi Apostol Fabia, kasama sina LGOO VII Lydia Baltazar, LGOO VI Gerald Cabarles, Jr., at LGOO V Editha Macalino.

Pinangasiwaan ang naturang pagtitipon ni DILG Officer Mary Joy Nabor, kung saan masusing tinalakay ang mga mahahalagang usapin kaugnay ng pagsunod ng bayan sa mga itinakdang pamantayan ng pamahalaan (good local governance) at ang mga hakbang para sa mas mabilis at episyenteng serbisyo publiko.
Sa ginanap na talakayan, nakipagpalitan ng mga mungkahi at ideya ang DILG officials sa mga pinuno ng pamahalaang lokal sa pangunguna ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr.
Ayon sa pamunuan, ang inisyatibong ito ay naglalayong patuloy na palakasin ang ugnayan ng lokal na pamahalaan at ng DILG, katuwang din ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, upang masiguro ang tapat, mahusay, at makabuluhang paglilingkod sa bawat pamilyang San Rafaeleño.






Comments