Dating Punong Barangay ng Capihan, Ginawaran ng Luksang-Parangal

Nakibahagi si Vice Mayor Edison M. Veneracion kasama ng iba pang lingkod-bayan sa isinagawang luksang-parangal para sa paggunita sa buhay at paglilingkod ni dating Punong Barangay Serafin Cruz, Jr. ng Barangay Capihan.
Sa naturang seremonya, binigyang-pugay ang naging ambag ni Cruz sa kanyang mga kabarangay at sa pamayanan.
Binigyang-diin ni Vice Mayor Veneracion na mananatili ang alaala ng dating kapitan at magsisilbing inspirasyon ang kanyang paglilingkod sa mga susunod na lider ng bayan at komunidad.






Comments