top of page

Dalawang Panukalang Kautusang Bayan, Tinalakay sa Pampublikong Pagdinig

Aug 28
1 min read

Sa pangunguna ni Vice Mayor Edison M. Veneracion, nagsagawa ang Sangguniang Bayan ng San Rafael ng Pampublikong Pagdinig noong Agosto 24, 2026 kaugnay ng dalawang panukalang Kautusang Bayan na nakatuon sa pangangalaga sa kalusugan at kaligtasan ng mga San Rafaeleño.


Kabilang sa tinalakay ang panukalang nagbabawal sa pamamahagi at pagbebenta ng mga produktong parmasyutiko, kabilang ang mga gamot na nangangailangan ng reseta at over-the-counter (OTC) na gamot, sa mga sari-sari store at iba pang katulad na establisimyento sa bayan.


Nakasaad sa panukala ang pagsunod sa DILG Memorandum Circular Blg. 2022-025, kabilang ang mga kaugnay na panuntunan at iba pang layunin.


Tinalakay rin ang panukalang nagtatakda ng pamantayan sa kalidad, sanitasyon, at pamamahala ng inuming tubig sa Bayan ng San Rafael, Bulacan, kabilang ang mga kaukulang parusa sa mga lalabag.


Ang mga panukala ay iniakda ni Kgg. Joel M. Veneracion, Chairman ng Committee on Health and Sanitation, katuwang ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan bilang mga kapwa may-akda.


Layunin ng mga panukala na maisulong ang mga patakarang makatutulong sa pangangalaga sa kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng mga mamamayan ng San Rafael.

Comments


bottom of page