Dagat-Dagatan ES, Nabiyayaan ng Bagong Rostrum at Flagpole mula kay VM Edison

Upang higit pang mapaganda at maiangat ang kalidad ng mga programa at seremonya sa paaralan, nagkaloob si Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion ng mga bagong kagamitan para sa Dagat-Dagatan Elementary School.
Personal na ipinaabot ng bise alkalde—na mas kilala ng mga mag-aaral at guro sa tawag na "Kuya Edison"—ang isang bagong rostrum o podium na magagamit sa mga palatuntunan, gayundin ang isang flagpole o palo ng watawat para sa regular na pagtataas ng watawat ng paaralan.
Ayon kay Vice Mayor Veneracion, ang proyektong ito ay bahagi ng kaniyang patuloy na adbokasya na suportahan ang sektor ng edukasyon at tugunan ang mga simpleng pangangailangan ng mga lokal na eskwelahan na may malaking epekto sa araw-araw na operasyon ng mga ito.
Hangad ng pamahalaang bayan na ang mga ipinagkaloob na kagamitan ay magsilbing karagdagang inspirasyon at motibasyon para sa mga guro, pamunuan ng paaralan, at lalo na sa mga mag-aaral upang higit pa nilang pagbutihin ang kanilang mga aktibidad at pag-aaral.
Lubos naman ang pasasalamat ng administrasyon at ng mga magulang ng Dagat-Dagatan Elementary School sa mabilis na tugon at malasakit na ipinamalas ng tanggapan ng bise alkalde para sa kapakanan ng kanilang mga estudyante.






Comments