Congratulations, Mark Joseph at Trisha Mae!
Updated: Sep 8

Nagpaabot ng pagbati si Vice Mayor Edison M. Veneracion kina Mark Joseph at Trisha Mae sa kanilang pag-iisang dibdib at pagsisimula ng bagong yugto bilang mag-asawa.
Nagpasalamat din ang mag-asawa kay Kuya Edison sa pagpili sa kanya bilang principal sponsor at isa sa kanilang magiging gabay sa kanilang pagsasama at pagbuo ng pamilya.
Hiling din ni Kuya Edison na mapuno ng pagmamahalan ang tahanan ng bagong mag-asawa at maging sandigan nila ang isa’t isa sa panahon ng mga pagsubok.
Hinimok din niya ang mag-asawa na patuloy na humingi ng gabay sa Panginoon sa mga desisyong kanilang gagawin para sa kanilang pamilya.






Comments