top of page

Congratulations, Erwin and Roseann!


Isang mainit at taos-pusong pagbati ang ipinaabot ni Vice Mayor Edison "Kuya Edison" Veneracion para sa bagong kasal na sina Erwin at Roseann sa kanilang matagumpay na pag-iisang dibdib at opisyal na pagpasok sa buhay-may-asawa.


Kasabay ng pagdiriwang ng kanilang pagmamahalan, binigyang-diin din ni Kuya Edison ang kahalagahan ng pagkakaisa at katatagan sa pagharap sa bagong yugto ng kanilang buhay. Ipinaalala sa mag-asawa na sa dumarating na mga pagsubok sa buhay, nawa ay maging matibay na sandalan at kalakasan nila ang isa't isa upang malampasan ang anomang hamon.



Bukod sa mga pagbati, ibinahagi rin ang mahahalagang paalala ukol sa pagpapatatag ng isang tahanan. Kabilang dito ang palagiang pananalangin nang magkasama at ang walang sawang paghingi ng gabay at patnubay sa Panginoon upang manatiling nakasentro sa pananampalataya ang kanilang pamilya.


Inihayag din ang hiling na nawa ay palaging mapuno ng pag-unawa, kapayapaan, at wagas na pagmamahalan ang tahanang itatayo nina Erwin at Roseann habang sila ay bumubuo ng kanilang sariling mga pangarap bilang magkapareha sa buhay.



Comments


bottom of page