Congratulations, Dr. Isaiah Cooper! Bagong Inspirasyon sa Larangan ng Medisina
- SB San Rafael

- Apr 14
- 1 min read

Muling nagningning ang galing ng mga kabataang San Rafaeleño matapos ang matagumpay na pagpasa ni Isaiah De Castro Cooper sa Physician Licensure Examination (PLE) 2026.
Si Dr. Cooper, na isang proud na residente ng Barangay Ulingao, ay nagtapos ng kanyang pag-aaral sa prestihiyosong Faculty of Medicine and Surgery ng University of Santo Tomas (UST). Ang kanyang tagumpay ay bunga ng maraming taon ng pagsisikap, determinasyon, at dedikasyon sa pag-aaral ng medisina.
Nagpaabot naman ng kanyang mainit na pagbati si Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion sa bagong doktor ng bayan. Ayon kay Kuya Edison, ang pagkakaroon ng mga ganitong klase ng indibidwal ay nagpapatunay na ang San Rafael ay tahanan ng mga mahuhusay at matatalinong lingkod-bayan sa hinaharap.





Comments