Congratulations, Class of 2026! Pamahalaang Bayan, Nagpaabot ng Pagbati sa mga Nagsipagtapos
- SB San Rafael

- 7 days ago
- 1 min read

Sa muling pagdating ng panahon ng pagtatapos, ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael ay taos-pusong nagpapaabot ng mainit na pagbati sa lahat ng mga mag-aaral na nagsipagtapos at magsisipagtapos pa lamang ngayong taon.
Sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, at ng buong Sangguniang Bayan, kinikilala ng lokal na pamahalaan ang bawat diploma at sertipiko bilang simbolo ng hindi matatawarang sipag, tiyaga, at dedikasyon ng mga kabataang San Rafaeleño.
Binigyang-pugay din ng ating mga pinuno ang walang sawang suporta at sakripisyo ng mga magulang, guro, at mga mahal sa buhay na nagsilbing katuwang ng mga mag-aaral upang marating ang mahalagang yugtong ito. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa mga indibidwal, kundi para sa buong komunidad na umaasa sa husay at talino ng susunod na henerasyon.





Comments