Committee Hearing ng Sangguniang Bayan, Tinalakay ang mga Programa para sa Kapakanan ng Mamamayan

Nagsagawa ng Committee Hearing ang Sangguniang Bayan ng San Rafael sa pangunguna ni Pangalawang Punong Bayan Edison M. Veneracion at ni Kgg. Anna Maria S. Santos, Chairperson ng Committee on Humanitarian Affairs and Social Services at Vice Chairman ng Committee on Education, Science & Technology.
Tinalakay sa pagdinig ang mga panukalang naglalayong palakasin ang mga programa para sa kalusugan, nutrisyon, edukasyon, proteksyon, at kapakanan ng iba’t ibang sektor ng komunidad.

Kabilang sa mga tinalakay ang institutionalization ng National Feeding Program alinsunod sa Republic Act No. 11037, home care support services, pag-iwas sa elder abuse, at mga hakbang para gawing mas accessible ang mga pamayanan para sa Persons with Disabilities (PWDs).
Kasama rin sa agenda ang pagbuo ng Coordinating and Monitoring Board para sa proteksyon ng PWDs laban sa diskriminasyon, pagpapabaya, at karahasan.
Tinalakay din ang institutionalization ng Early Childhood Care and Development (ECCD) System, pagpapalakas ng kakayahan ng ECCD workers, pagpapatupad ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program sa ilalim ng Republic Act No. 12028, at pagpapalawak ng kasapian at responsibilidad ng San Rafael Local School Board.
Patuloy ang Sangguniang Bayan sa pagtalakay at pagsusulong ng mga polisiya at programang nakatuon sa kapakanan, proteksyon, edukasyon, at kinabukasan ng mga mamamayan ng San Rafael.






Comments