CLEAN UP – SAGIP ILOG 2026, ISINAGAWA SA SAN RAFAEL

San Rafael, Bulacan – Nagsagawa ng Clean Up – Sagip Ilog 2026 ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael upang linisin ang mga ilog at mapangalagaan ang kapaligiran.
Pinangunahan ang aktibidad ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), sa pamumuno ni Zenaida Villanueva, at ng Department of the Interior and Local Government (DILG), katuwang ang lokal na pamahalaan sa ilalim ni Mayor Cipriano D. Violago Jr.

Nakiisa rin sa paglilinis sina Vice Mayor Edison M. Veneracion, Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga punong barangay, department heads, BFP, PNP, MDRRMO, CENRO-DENR, River Rangers, at mga kinatawan ng pribadong establisimyento at organisasyon.
Kabilang sa mga lumahok ang ADM, Optimo, RVP Enterprises, Baliuag Maritime Academy, at mga Barangay ng Lico, Libis at Poblacion.
Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan ng mga ilog sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan, pribadong sektor at mamamayan.







Comments