top of page

Carlos F. Gonzales High School, Kampeon sa Division Gawad Kalakbay

3 days ago
1 min read

Kinilala ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) San Rafael ang pagkakamit ng Carlos F. Gonzales High School ng kampeonato sa Division Gawad Kalakbay: Search for Best DRRM Advocates.


Ayon sa MDRRMO, patunay ang pagkilalang ito sa pagsisikap ng paaralan na itaguyod ang kahandaan, kaligtasan at katatagan ng komunidad laban sa mga sakuna.


Kabilang sa mga pinuri sa tagumpay ng paaralan sina Ma. Nina P. Avendaño, PhD, Ceanceno M. Espiritu, Jr., PhD, Dante P. Liongson, PhD, Florida P. Tolentino, at Roy Oliver G. Fama, kasama ang buong pamunuan at kawani ng paaralan.


Umaasa ang MDRRMO na magsisilbing inspirasyon ang pagkilalang ito sa iba pang paaralan at kabataan upang aktibong makilahok sa mga programa at adbokasiya para sa disaster risk reduction and management (DRRM).

Comments


bottom of page