Bulacan, Isinailalim sa State of Calamity

Idineklara nang nasa ilalim ng State of Calamity ang Lalawigan ng Bulacan sa bisa ng Panlalawigang Kapasyahan Blg. 708-T’2026.
Sa deklarasyong ito, inaasahang mapapabilis ang pagtugon ng pamahalaan sa mga pangangailangan ng mga Bulakenyong naapektuhan ng kalamidad.
Kabilang sa mga maaaring maisagawa ang agarang paghahatid ng relief assistance, food at non-food items, medical assistance, rehabilitasyon, at iba pang kinakailangang serbisyo sa mga apektadong komunidad.
Patuloy namang hinihikayat ang mga mamamayan na manatiling alerto at makipagtulungan sa mga awtoridad para sa kanilang kaligtasan.






Comments