Bukas na Pamahalaan, Tungo sa Pag-unlad ng San Rafael

Nagpaabot ng pasasalamat si Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. sa mga San Rafaeleñong patuloy na dumudulog, bumibisita, at nagbabahagi ng kanilang mga saloobin, mungkahi, at pangangailangan sa kanyang tanggapan.
Binigyang-diin ni Mayor Violago na pinahahalagahan niya ang bawat pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan at ang kanilang pakikiisa sa mga hakbang para sa patuloy na pag-unlad ng bayan.

Nananatiling bukas ang kanyang tanggapan para sa mga San Rafaeleñong nais magbahagi ng ideya, mungkahi, at concerns, gayundin sa mga nais maging katuwang sa pagsusulong ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng komunidad.
Hinimok din ng Punong Bayan ang patuloy na pagtutulungan ng Pamahalaang Bayan at mga mamamayan upang sama-samang pagandahin at paunlarin ang San Rafael.






Comments