Bukas na Pakikipag-ugnayan, Isinusulong ng Pamahalaang Bayan

Patuloy na bukas ang tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa mga mamamayang nais magbahagi ng kanilang saloobin, mungkahi, katanungan o humingi ng tulong.
Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng pakikinig sa mga concern at suhestiyon ng mga San Rafaeleño bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapabuti ang paghahatid ng serbisyo publiko.
Hinimok din ang mga mamamayan na patuloy na makiisa at makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan at iba pang usapin sa komunidad.
Layunin ng Pamahalaang Bayan na maisulong ang isang mas maayos, bukas at may malasakit na pamahalaan para sa bawat San Rafaeleño.






Comments