Boy-Girl Official Counterpart, Nakibahagi sa Pamahalaang Bayan

Nakibahagi si Erha Joyce Gatchalian, bilang Boy-Girl Official Counterpart, sa mga gawain ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael upang matuto at magkaroon ng karanasan sa pamumuno at paglilingkod sa kapwa.
Nasaksihan ni Erha ang mga responsibilidad at gawain ng mga lingkod-bayan sa kanilang pagseserbisyo sa mga mamamayan.
Ayon kay Mayor Cipriano Violago, Jr., mahalagang mabigyan ang mga kabataan ng pagkakataong matuto tungkol sa pamumuno at serbisyo publiko.
Inaasahang magsisilbing inspirasyon kay Erha ang kanyang karanasan upang patuloy na matuto, mangarap, at maging bahagi ng mga kabataang handang maglingkod para sa bayan.






Comments