top of page

Boses ng San Rafaeleño, Pinahalagahan ni Mayor Goto sa Patuloy na Pag-unlad ng Bayan


Sa diwa ng mas tapat at inklusibong pamamahala, nagpaabot ng kanyang taos-pusong pasasalamat ang ating Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. sa lahat ng mga kababayang patuloy na nagtitiwala at nakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan.


Binigyang-diin ni Mayor Goto ang kahalagahan ng pakikipag-usap sa mga mamamayan upang malaman ang kanilang mga tunay na pangangailangan at saloobin. Ayon sa Punong Bayan, ang bawat pagbisita at mungkahi ng mga San Rafaeleño ay nagsisilbing gabay sa pagbabalangkas ng mga programang tunay na makabuluhan at kapaki-pakinabang para sa lahat.


Katuwang ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Edison "Kuya Edison" Veneracion, muling tiniyak ng lokal na pamahalaan na nananatiling bukas ang pinto ng Munisipyo para sa sinumang nagnanais magbahagi ng mga ideya o humingi ng tulong. Ang "Open Door Policy" na ito ay bahagi ng Serbisyong Tapat na layuning ilapit ang gobyerno sa tao.


Hinihikayat ang lahat na huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa Office of the Mayor para sa anumang usaping makatutulong sa ikabubuti ng komunidad. Sa pagkakaisa ng mga pinuno at mamamayan, masisiguro ang tuloy-tuloy na pag-asenso ng ating bayan.

Comments


bottom of page