Biofarming Training (NC II), Inilunsad ng PESO San Rafael
- SB San Rafael

- Mar 30
- 1 min read

Sa layuning mapalakas ang sektor ng agrikultura at magbigay ng bagong oportunidad sa pangkabuhayan, pormal nang nagbukas ng aplikasyon ang Public Employment Service Office (PESO) San Rafael para sa Biofarming Training (NC II).
Ang nasabing programa ay isang masinsinang 30-day training na gaganapin sa Biscocho Integrated Organic Farm and Training Center sa Brgy. Caingin. Bukod sa libreng kaalaman sa organikong pagsasaka, ang mga mapipiling kalahok ay makatatanggap din ng kaukulang allowance sa buong pananatili sa programa.
Ayon kay Mayor Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Vice Mayor Edison "Kuya Edison" Veneracion, ang inisyatibong ito ay bahagi ng kanilang programa sa "Livelihood Skills Training" upang matiyak na ang bawat San Rafaeleño ay may sapat na kasanayan para sa mas maunlad na pamumuhay.
Mga Detalye ng Pagsasanay:
Schedule: 8:00 AM – 5:00 PM, Lunes hanggang Sabado.
Kwalipikasyon: 18 taong gulang pataas at may kagustuhang matuto.
Hinihikayat ang lahat ng mga interesadong aplikante na magtungo sa PESO San Rafael Office (matatagpuan sa likod ng Victory Coliseum, Sampaloc, San Rafael) para sa registration. Huwag kalimutang magdala ng 1x1 picture bilang bahagi ng requirement.
Dahil sa limitadong slots, ipinapayo ng lokal na pamahalaan ang maagang pagbisita sa kanilang tanggapan.





Comments