top of page

‘Binyag Mo, Sagot Ko 2026’ ng San Rafael, Bukas Na sa mga Nais Magpatala


Inihayag ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang pagbubukas ng pagpapatala para sa taunang libreng binyag sa ilalim ng programang "Binyag Mo, Sagot Ko 2026."


Ang naturang inisyatibo ay opisyal na proyekto ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg.

Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, at ng buong Sangguniang Bayan, katuwang ang Municipal Civil Registry Office sa pamumuno ni Gng. Mercedes Rivera.


Inaanyayahan ang mga magulang at pamilyang San Rafaeleño na nais makabahagi sa libreng binyagan na magtungo sa Municipal Civil Registry Office mula Lunes hanggang Huwebes, sa pagitan ng 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.


Upang makapagpatala, kinakailangang magdala ng mga sumusunod na kailanganin:

  • Birth Certificate ng bata

  • Valid ID ng magulang o tagapangalaga

  • Certificate of Residency mula sa kani-kanilang barangay


Nakatakda ang huling araw ng pagpapatala sa Agosto 20, 2026. Binigyang-diin ng pamahalaang lokal na limitado lamang ang slots para sa naturang programa kaya't pinapayuhan ang mga residente na magparehistro nang maaga.

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page