Best Wishes! Tatlong Pares, Pinag-isang Dibdib sa Munisipyo
- SB San Rafael

- 2 days ago
- 1 min read

Tatlong bagong pamilya ang opisyal na nabuo at nag-umpisa ng kanilang bagong yugto ng buhay matapos magkasabay na pagbuklurin sa banal na kasal ang tatlong pares ng magsing-irog, na pinangunahan mismo ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr.

Buong kagalakang pinag-isang dibdib ng alkalde ang mga bagong kasal na sina:
Mr. & Mrs. Jayson at Rochelle Grospe
Mr. & Mrs. Alexander at Vina Teresa Honra
Mr. & Mrs. Franz Joshua at Angelica Alicante

Sa idinaos na seremonya kung saan nagsilbing Solemnizing Officer si Mayor Violago, personal niyang ipinaabot ang mga mahahalagang payo ukol sa pundasyon ng isang matatag na tahanan, kabilang ang kahalagahan ng unawaan, tiwala, at walang sawang pagmamahalan sa gitna ng mga hamon ng buhay-may-asawa.
Kaugnay nito, ang Tanggapan ng Punong Bayan at ang buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael ay nagpaabot ng kanilang taos-pusong pagbati sa mga bagong kasal. Hangad ng lokal na pamahalaan ang isang matagumpay, masagana, at mabiyayang pagsasama para sa pamilyang Grospe, Honra, at Alicante habang sila ay katuwang ng bayan sa pagtataguyod ng isang mapayapa at maunlad na komunidad.





Comments