Best Wishes sa Bagong Kasal!
- SB San Rafael
- 5 days ago
- 1 min read

Sa isang tapat at legal na seremonya, pinangunahan ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. ang pag-iisang dibdib nina Mr. & Mrs. Rafael at Marilou Cruz ngayong araw sa ating munisipyo.
Buong galak na nagpalitan ng sumpaan ang bagong mag-asawa sa harap ng ating alkalde, na nagsilbing opisyal na saksi sa kanilang pagpasok sa bagong yugto ng kanilang buhay. Ang pagpapadaloy ng mga seremonya ng kasal ay bahagi ng adhikain ng lokal na pamahalaan na itaguyod ang matatag na pundasyon ng pamilyang San Rafaeleño sa ilalim ng batas.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Violago ang kahalagahan ng pagmamahalan, pagtutulungan, at pananalig sa Maykapal bilang sandigan ng isang matagumpay na pagsasama.
Hangad nina Mayor Goto, Vice Mayor Edison "Kuya Edison" Veneracion, at ng buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang isang mabiyaya, masaya, at panghabambuhay na pagsasama para sa bagong kasal.

