Best Wishes, Mr. & Mrs. Francis and Cristine Reyes!
- SB San Rafael

- Aug 6
- 1 min read

Muling naging saksi ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pag-iisang dibdib at bagong simula ng pagmamahalan matapos pangunahan ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. ang kasal nina Mr. & Mrs. Francis at Cristine Reyes.
Pormal na pinagsama ng Punong Bayan ang dalawa sa isang simpleng seremonya ng kasal, kung saan ipinaabot din niya ang kanyang personal at taos-pusong pagbati sa bagong mag-asawa para sa kanilang pagbuo ng sariling pamilya.
Hangad ni Mayor Goto Violago at ng buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang isang matagumpay, masagana, at mabiyayang pagsasama para kina Francis at Cristine sa kanilang bagong yugto ng buhay.
Ang patuloy na pagsuporta at pagpapatibay sa pundasyon ng mga pamilya ay buong pusong sinusportahan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan, upang itaguyod ang matatag at maayos na pamayanan.




Comments