top of page

Best Wishes, Kennet and Jamie!


Isang mainit na pagbati at makabuluhang payo ang ipinaabot ni Pangalawang Punongbayan Kgg. Edison "Kuya" M. Veneracion para sa bagong kasal na sina Kennet at Jamie sa kanilang pagpasok sa bagong yugto ng buhay-may-asawa.


Sa kaniyang mensahe, ipinahayag ni Vice Mayor Veneracion ang kaniyang malaking kagalakan para sa dalawa at naging hiling na nawa ay mapuno ng walang kapantay na pagmamahal at kaligayahan ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.


Bukod sa pagbati, nag-iwan din ng mahahalagang paalala si Kuya Edison para sa matibay na pundasyon ng pamilya. Kaniyang binigyang-diin na dapat maging lakas nina Kennet at Jamie ang isa't isa, partikular na sa mga panahon ng pagsubok na natural na dumarating sa buhay.



Inipayo rin ng pangalawang punongbayan ang kahalagahan ng pananampalataya sa loob ng tahanan, kung saan ipinaalala niya sa bagong kasal na huwag na huwag kakalimutang manalangin nang magkasama at palaging humingi ng gabay at patnubay mula sa Panginoon upang maging matagumpay ang kanilang pagsasama.



Comments


bottom of page