top of page

Best Wishes Harvey and Joyce!


Isang mainit na pagbati at punong-puno ng inspirasyong mensahe ang ipinaabot ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion para sa bagong kasal na sina Harvey at Joyce.


Sa pagsisimula ng kanilang bagong yugto bilang mag-asawa, ibinahagi ni Kuya Edison ang kanyang mga mahahalagang payo para sa matatag na pagsasama. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng paglalagay sa Panginoon sa sentro ng kanilang tahanan sa pamamagitan ng patuloy na pagdarasal.


"Nawa ay punuin ninyo ng pagmamahalan ang inyong bubuuing pamilya," anang Pangalawang Punong Bayan. Dagdag pa niya, ang tunay na lakas ng mag-asawa ay nakasalalay sa pagsuporta sa isa't isa, anoman ang maging desisyon at mga pagsubok na darating sa kanilang buhay.



Comments


bottom of page