Best Wishes! Dalawang Bagong Mag-asawa, Ikinasal sa San Rafael
- SB San Rafael

- Apr 14
- 1 min read

Isang espesyal na araw ang ipinagdiwang sa ating munisipyo nang opisyal na buklurin sa banal na sakramento ng kasal ang dalawang pares ng magkasintahan sa pangunguna ng ating Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr.
Buong kagalakang pinangunahan ni Mayor Goto ang seremonya para sa mga bagong mag-asawa na sina:
Mr. & Mrs. Vincent Carl at Lizette Tagnaman
Mr. & Mrs. Jethro at Rafaela De Jesus

Sa harap ng kanilang mga saksi at mahal sa buhay, binigyang-diin ng Punong Bayan ang kahalagahan ng pagkakaisa, pagtitiwala, at matibay na pundasyon ng pamilya bilang bahagi ng isang maayos na komunidad. Ang civil wedding ceremony na ito ay bahagi ng patuloy na paglilingkod ng lokal na pamahalaan sa mga San Rafaeleño na nagnanais simulan ang kanilang buhay-pamilya sa legal at pormal na paraan.
Muli, ang buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael, katuwang ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Edison "Kuya Edison" Veneracion, ay nagpapaabot ng kanilang taos-pusong pagbati. Hangad ng pamunuan ang isang matagumpay, masaya, at mabiyayang pagsasama para sa mga bagong mag-asawa habang tinatahak nila ang bagong yugto ng kanilang buhay.





Comments