Bayan ng San Rafael, Nagkamit ng 'Green Banner Seal of Compliance' sa Nutrisyon
- SB San Rafael

- Aug 3
- 1 min read

Malaking tagumpay para sa sektor ng kalusugan at nutrisyon ang nakamit ng Bayan ng San Rafael matapos itong parangalan ng prestihiyosong "Green Banner Seal of Compliance" ng Panlalawigang Lupon sa Nutrisyon nitong Hulyo 31, 2026 sa Hiyas ng Bulacan Convention Center.
Mismong si Gng. Kristina Anne A. Bisquera, RND, Pambayang Tagapagpaganap sa Nutrisyon, kasama ang mga kawani ng Municipal Nutrition Office, ang tumanggap ng naturang parangal bilang pagkilala sa epektibong pagpapatupad ng mga programa laban sa malnutrisyon sa bayan.

Bukod sa pangunahing parangal ng bayan, itinampok din sa nasabing seremonya ang paggawad ng Service Award kay Gng. Leonarda N. Santiago ng Barangay Pulong Bayabas bilang pagpupugay sa kanyang 43 taong tapat na paglilingkod bilang Lingkod Lingap sa Nayon (LLN). Kinilala rin si Gng. Neriza V. Jimenez ng Barangay Pasong Bangkal bilang isa sa Natatanging LLN ng Bulacan, habang ang Barangay Pasong Bangkal sa pangunguna ni Punong Barangay Elmer T. Basa ay pinarangalan bilang isa sa Natatanging Barangay sa Nutrisyon.
Ang tagumpay at mga parangal na ito ay bunga ng walang patid na suporta at paggabay ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan, upang tiyakin ang malusog at maunlad na pamayanan.





Comments