Bawat Boses Mahalaga: Mayor Goto, Nagpasalamat sa Patuloy na Pagtitiwala at Pakikiisa ng Bayan
- SB San Rafael

- Jul 1
- 1 min read
Updated: 9 hours ago

Upang matiyak na naririnig at mabilis na naaaksyunan ang pangangailangan ng publiko, muling pinagtibay ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. ang polisiya ng kaniyang opisina bilang isang "bukas na tanggapan" para sa bawat mamamayang San Rafaeleño.
Ayon kay Mayor Violago, layunin ng kaniyang tanggapan na maging laging handa sa pagtanggap ng mga residente—mula sa mga humihingi ng tulong, nagbabahagi ng mga mungkahi, hanggang sa mga naglalapit ng mga programa at adhikaing makatutulong sa patuloy na pagsulong ng bayan.

Kasabay nito, nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang alkalde para sa walang sawang pagtitiwala, suporta, at pakikiisa ng mga mamamayan. Aniya, ang bawat pagbisita, opinyon, at suhestiyon ng publiko ay mahalagang gabay ng lokal na pamahalaan upang makapaghatid ng mas mahusay, makatao, at makabuluhang serbisyo-publiko.
Binigyang-diin din ng punong bayan na sa pamamagitan ng pagkakaisa at aktibong pakikilahok ng komunidad, mas madaling mapagtitibay ang mga programang tunay na naglilingkod at nagmamalasakit sa sambayanan.
Nananatiling bukas ang pintuan ng Tanggapan ng Punong Bayan sa munisipyo para sa lahat ng mga nagnanais mag-abot ng kanilang saloobin o nangangailangan ng tulong mula sa lokal na pamahalaan.





Comments