top of page

Barangay Rescuelympics 2026, Matagumpay na Ginanap sa San Rafael; Brgy. Pasong Callos, Naitanghal na Champion


Isang araw ng kasanayan, pagtutulungan, at mataas na antas ng kahandaan sa sakuna ang naging tampok sa ginanap na Barangay Rescuelympics 2026 nitong Hulyo 28, 2026 sa Victory Coliseum, San Rafael, Bulacan.


Layunin ng naturang kompetisyon na masukat, maipamalas, at mas mapaigting pa ang kakayahan ng mga barangay responder sa mga larangan ng first aid, rescue operations, disaster preparedness, at emergency response.


Mula sa iba't ibang barangay ng bayan, ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang tapang, disiplina, dedikasyon, at malasakit sa kapwa sa pagharap sa mga simulasyon ng sakuna at saklolo.


Naitanghal na Overall Champion ang Barangay Pasong Callos, habang nakuha ng Barangay Balagtas-BMA ang 1st Runner-Up at ang Barangay Diliman I naman ang nagkamit ng 2nd Runner-Up.


Ipinagkaloob din ang mga espesyal na parangal para sa mga sumusunod na kategorya:

  • Best in Triage: Brgy. Capihan, Brgy. Maronquillo, at Brgy. Tambubong

  • Best in Lifting and Moving: Brgy. Balagtas-BMA, Brgy. Capihan, at Brgy. Cruz na Daan

  • Best in Bandaging and Splinting: Brgy. Balagtas-BMA, Brgy. Caingin, at Brgy. Pasong Callos

  • Best in CPR: Brgy. Dagat-Dagatan, Brgy. Pansumaloc, at Brgy. Sampaloc

  • Best Muse: Ms. Katherine Bautista ng Brgy. Mabalas-balas



Ang matagumpay na aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan, upang bumuo ng isang ligtas, laging handa, at matatag na komunidad laban sa anumang kalamidad.

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page