top of page

Balik-Eskwela 2026: Klase sa Lahat ng Antas, Sisimulan na sa June 8


Pormal nang inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ang opisyal na petsa ng pagbubukas ng klase para sa School Year 2026-2027. Ayon sa inilabas na anunsyo, ang mga estudyante ay inaasahang magbabalik-eskwela sa darating na June 8, 2026.


Ngayong taon, magkakaroon ng malaking pagbabago sa sistema ng akademikong kalendaryo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Three-Term Structure. Ang bagong sistemang ito ay inaasahang magbibigay ng mas maayos na daloy sa pag-aaral at sapat na pagitan para sa mga mag-aaral at guro. Ayon sa DepEd, ang nasabing school year ay nakatakdang magtapos sa April 8, 2027.


Dahil dito, mayroon pang higit isang buwan ang ating mga kabataang San Rafaeleño upang sulitin ang kanilang bakasyon bago muling humarap sa mga libro at silid-aralan. Ang panahong ito ay mainam din upang simulan ang paghahanda sa mga kagamitang pampaaralan at pagkondisyon sa sarili para sa panibagong taon ng karunungan.


Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang mga magulang at mga estudyante na maging mapagmatyag sa mga susunod na anunsyo mula sa kanilang mga paaralan hinggil sa enrollment at iba pang mga alituntunin para sa darating na pasukan.


Comments


bottom of page