BAGONG TANGGAPAN NG 301ST MANEUVER COMPANY SA SAN RAFAEL, ININSPEKSIYON

Muling nagsagawa ng inspeksyon sina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, sa itinatayong gusali na magsisilbing bagong tanggapan ng 301st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion.
Matatagpuan ang nasabing gusali sa loob ng Municipal Compound ng San Rafael at bahagi ito ng pagsisikap ng lokal na pamahalaan na suportahan ang kapulisan.
Layunin ng proyekto na makatulong sa pagpapalakas ng pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at seguridad sa bayan ng San Rafael.






Comments