Bagong Set ng Opisyal ng Senior Citizen, Opisyal nang Itinalaga
- SB San Rafael

- Mar 16
- 1 min read

Opisyal nang nagsimula ang bagong kabanata ng pamumuno para sa mga nakatatanda sa ating bayan matapos ganapin ang Oathtaking Ceremony ng mga bagong halal na opisyal ng Pederasyon ng mga Senior Citizen ng San Rafael.
Ang panunumpa sa tungkulin ay pinangunahan mismo ng ating Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr., kasama ang suporta ng Sangguniang Bayan. Sa nasabing seremonya, nangako ang mga bagong opisyal na magsisilbi nang tapat at itataguyod ang mga karapatan at kapakanan ng bawat lolo at lola sa ating komunidad.





Comments