Bagong PNP Patrol Vehicle, Ipinagkaloob sa San Rafael para sa Mas Ligtas na Komunidad
- SB San Rafael

- Aug 18
- 1 min read

Sa layuning higit pang mapalakas ang seguridad at panatilihin ang kaayusan sa buong bayan, opisyal na ipinagkaloob sa San Rafael Municipal Police Station ang isang bagong PNP Patrol Vehicle.
Ang bagong sasakyan ay nagmula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Jonvic C. Remulla, sa masipag na inisyatibo at pakikipagtuwang ni Representative Mark Cholo I. Violago.
Ayon sa Pamahalaang Bayan, malaking tulong ang bagong patrol vehicle upang mas mapabilis ang pag-ikot at pagtugon ng kapulisan sa mga saklolo at emergency, pati na rin sa pagpapatrolya sa mga barangay upang tiyakin ang kapayapaan sa bawat sulok ng San Rafael.
Taus-pusong nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng lokal na pamahalaan at ang kapulisan sa DILG at sa tanggapan ni Cong. Cholo Violago sa patuloy na suporta at malasakit para sa kapakanan ng mga mamamayan.
Ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa pambansang pamahalaan para sa kaayusan at seguridad ay buong pusong itinaguyod ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan, tungo sa mas ligtas at maunlad na San Rafael.





Comments