top of page

Bagong mga Pasilidad sa BSU San Rafael, Pinasinayaan

Sep 22
1 min read

Pinasinayaan ang mga bagong pasilidad sa Bulacan State University (BSU) San Rafael Campus, kabilang ang auditorium, dormitory at College of Medicine Building, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalawak ng mga pasilidad para sa mga mag-aaral.


Dumalo sa isinagawang blessing at ribbon-cutting ceremony sina Congressman Mark Cholo Violago, Mayor Goto Violago, Vice Mayor Edison M. Veneracion at mga Kagawad ng Sangguniang Bayan ng San Rafael.



Layunin ng mga bagong pasilidad na suportahan ang pangangailangan ng mga mag-aaral at makatulong sa pagbibigay ng mas maayos na lugar para sa kanilang pag-aaral at mga gawaing pang-akademiko.


Kasabay ng seremonya, nagkaloob din si Congressman Mark Cholo Violago ng bagong coaster bus para sa Libreng Hatid-Eskwela ng mga estudyante ng BSU San Rafael Campus.


Comments


bottom of page