BAGONG LEGISLATIVE BUILDING NG SAN RAFAEL, PINASINAYAAN AT BINASBASAN

Pormal nang pinasinayaan at binasbasan ang bagong Legislative Building ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael na magsisilbing tanggapan ng Sangguniang Bayan sa pagtupad sa mga tungkulin nito sa paggawa ng mga batas at ordinansa para sa kapakanan ng mga mamamayan.
Itinuturing na mahalagang pasilidad ang bagong gusali na naglalayong magbigay ng mas maayos, moderno at angkop na lugar para sa mga gawain ng mga lokal na mambabatas.
Sumisimbolo rin ang proyekto sa patuloy na pag-unlad ng bayan at sa hangarin ng lokal na pamahalaan na higit pang mapahusay ang paghahatid ng serbisyo publiko sa mga San Rafaeleño.







Comments