Atleta mula sa Montessori De San Rafael, Nagwagi sa CLRAA 2026
- SB San Rafael

- Mar 26
- 1 min read

Muling nagningning ang galing ng mga kabataang San Rafaeleño sa larangan ng palakasan matapos masungkit ni King Mitzskye P. Cruz ang Silver Medal sa Taekwondo Freestyle - SB sa ginaganap na Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) 2026.
Si Cruz, na isang dedikadong mag-aaral mula sa Montessori De San Rafael, Inc., ay nagpamalas ng pambihirang husay at disiplina sa nasabing kompetisyon, kung saan hinarap niya ang pinakamahuhusay na atleta mula sa iba’t ibang lalawigan sa Rehiyon III.
Sa isang mensahe ng pagbati mula sa Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, kinilala niya ang hirap at sakripisyong pinagdaanan ng batang atleta upang pagsabayin ang puspusang training at ang kanyang mga obligasyon sa pag-aaral.
"Ipinagmamalaki ng ating bayan ang iyong tagumpay! Kahanga-hanga ang mga katulad mong kabataang atleta na nagpapakita ng pagsisikap. Alam kong hindi pa ito ang huling medalya na iyong maiuuwi," pahayag ni Vice Mayor Edison.
Katuwang ang Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Cipriano "Goto" Violago, Jr., patuloy na sumusuporta ang Sangguniang Bayan sa paglinang ng mga lokal na talento sa sports. Ang tagumpay ni Cruz ay patunay na sa tamang gabay at determinasyon, kayang makipagsabayan ng mga atletang San Rafaeleño sa mas malalawak na arena.
Hangad ng buong bayan ang patuloy na pag-abot ni King Mitzskye sa kanyang mga pangarap at ang pag-uwi ng mas marami pang karangalan para sa San Rafael sa mga susunod na kompetisyon.





Comments