top of page

Apat na Magkasintahan, Pinagbuklod sa Kasalan sa Pamahalaang Bayan


Apat na magkasing-irog ang pormal nang pumasok sa buhay-may-asawa matapos silang pagbuklurin sa isang seremonya ng kasalan na pinangunahan mismo ng Punong Bayan, Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr.



Bilang opisyal na kinatawan ng batas sa lokal na pamahalaan, pinagtibay ni Mayor Violago ang sumpaan at pagmamahalan ng mga sumusunod na bagong mag-asawa:

  • Mr. & Mrs. Allan Kier at Karmela Villanueva

  • Mr. & Mrs. Anthony at Abegail Mencharez

  • Mr. & Mrs. Roldan at Sheena Coroza

  • Mr. & Mrs. Roger, Jr. at Jaye Czarina Ferrer



Sa gitna ng pagtitipon, nagbahagi ng mahahalagang payo ang alkalde ukol sa pundasyon ng isang matatag na pamilya. Binigyang-diin niya na ang pag-unawa, tiwala, at bukas na komunikasyon ang susi upang mapagtagumpayan ng mag-asawa ang anumang hamon na dala ng buhay.


Muli, ang buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael, sa pangunguna ni Mayor Goto Violago, ay taos-pusong bumabati at naghahangad ng isang matagumpay, masagana, at mabiyayang pagsasama para sa apat na bagong mag-asawa.

Comments


bottom of page