top of page

Apat na Magkasintahan, Nag-isang Dibdib sa San Rafael



Sa ngalan ng pag-ibig at matatag na pundasyon ng pamilyang San Rafaeleño, pormal na pinagbuklod ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. ang apat na pares ng mga magkakasintahan na opisyal nang nag-isang dibdib ngayong linggo.



Ang simpleng seremonya ng kasalan ay ginanap sa pamumuno ni Mayor Goto bilang solemnizing officer, kung saan personal niyang sinaksihan at binasbasan ang pagpapalitan ng sumpaan ng mga sumusunod na bagong mag-asawa:

  • Mr. & Mrs. Randolph & Regine Laydia

  • Mr. & Mrs. Rolando & Rebecca Veroy

  • Mr. & Mrs. Andre & Jessimiel Ann Nebres

  • Mr. & Mrs. Mark Christopher & Honey Grace Lim



Sa kaniyang mensahe, nagpaabot ng mahalagang payo ang punong bayan ukol sa kahalagahan ng pagbibigayan, tiwala, at bukas na komunikasyon upang mapanatiling matatag ang isang pamilya sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.



Hangad ni Mayor Goto at ng buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang isang masagana, matagumpay, at mabiyayang pagsasama para sa apat na bagong kasal habang tinatahak ang kanilang bagong yugto bilang ganap na mga mag-asawa.

Comments


bottom of page