top of page

Anti-Criminality Checkpoint, Ikinasa sa Brgy. Poblacion

Jul 17
1 min read

Nagsagawa ng Anti-Criminality Checkpoint ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station sa Barangay Poblacion nitong Hulyo 16, 2026, simula bandang 2:00 ng hapon.


Ang nasabing aktibidad ay pinangasiwaan ni Acting Chief of Police, PLTCOL Alvin Christopher L. Baybayan.


Layunin ng operasyon na mahigpit na ipatupad ang mga batas-trapiko at lokal na ordinansa sa bayan. Bahagi rin ito ng patuloy na pagsisikap ng istasyon na maiwasan ang anumang krimen at mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa buong komunidad.


Muling nagpapaalala ang lokal na kapulisan sa mga motorista na palaging mag-ingat at maging disiplinado sa kalsada.

Comments


bottom of page