Abrix Frey Cruz, Nagkamit ng Silver Medal sa 2026 Palarong Pambansa

Nagkamit ng Silver Medal si Abrix Frey Cruz sa Swimming (Secondary) 4x100m Freestyle Relay sa ginanap na 2026 Palarong Pambansa.
Ipinahayag ang pagkilala kay Cruz sa kanyang ipinakitang husay at galing bilang atletang San Rafaeleño na nagbigay ng karangalan sa bayan sa pambansang kompetisyon.
Bilang pagkilala sa kanyang tagumpay, ipinagkaloob sa kanya ang kopya ng resolusyon, pagbati, at gantimpala mula sa Vice Mayor’s League of the Philippines – Bulacan Chapter para sa kanyang natatanging pagganap bilang atletang Bulakenyo.
Umaasa ang Pamahalaang Bayan na magsisilbing inspirasyon ang tagumpay ni Cruz sa iba pang kabataang atleta na patuloy na magsikap at linangin ang kanilang talento sa larangan ng palakasan.






Comments