top of page

52nd Nutrition Month, Sinalubong ng Masiglang 'Nutri-Pick-A-Picka' sa RCS Building


Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-52 taon ng Nutrition Month, matagumpay na idinaos ng Municipal Nutrition Office ang aktibidad na pinamagatang "Nutri-Pick-A-Picka 2026" nitong Martes, Hulyo 7, 2026.


Ginanap ang masiglang palatuntunan sa 3rd Floor ng RCS Building sa bayang ito, kung saan dinaluhan ito ng mga kawani at mga tagataguyod ng kalusugan sa komunidad.




Ngayong taon, ang pagdiriwang ay nakasentro sa napakahalagang tema na: “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan.” Layunin ng temang ito na ipakita ang malalim na ugnayan ng wastong nutrisyon at ng pangangalaga sa ating kalikasan tungo sa pagbuo ng isang malusog, ligtas, at matatag na pamayanan.


Sa pamamagitan ng "Nutri-Pick-A-Picka," naghanda ang Municipal Nutrition Office ng mga kapaki-pakinabang at interaktibong pamamaraan upang mas mapalawak ang kaalaman ng mga mamamayan ukol sa pagpili ng mga masustansyang pagkain na hindi nakasisira sa kapaligiran.


Ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na adyenda ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael, sa pamumuno ni Mayor Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., na tiyakin na ang bawat pamilyang San Rafaeleño ay may sapat na kaalaman laban sa malnutrisyon at aktibong nakikibahagi sa mga programang pangkalikasan.

Comments


bottom of page